My Bookshelf

Shelfari: Book reviews on your book blog

Monday, July 17, 2006

An Interview with Pablo S. Gomez

Have I neglected posting here :) I'm currently very busy with graduate school. I have weekly deadlines that take up all my time... Anyway, here's an interview I did with Pablo S. Gomez in compliance with a class requirement.

Pablo S. Gomez is considered as one of the greatest comics writers in the Philippines. His career started in the Golden Age of Philippine Comics. According to an Internet article, he is also the most prolific Filipino comics writer of all times having written more than 200 comics novels, the record once held by Mars Ravelo (Source: http://pilipinokomiks.blogspot.com/2005/12/pablo-s-gomez-komiks-writer.html). His works include Agila ng Maynila, Petrang Kabayo, Machete and Kampanerang Kuba, among others. (Source: http://poll.imdb.com/name/nm1045417/). He is fondly called Mang Pabling in the entertainment industry.

Precious Anne (PALT): Kelan po kayo nagsimula magsulat?

Pablo S. Gomez (PSG): 1950… commercial writing.

PALT: May idol po ba kayo nun?

PSG: During that time ang idol ko nun si Mars Ravelo at saka tatay ni Doy, si Clodualdo del Mundo.

PSG: Si Clodualdo del Mundo ang sumulat ng Prinsipe Amante. Actually, I was in high school 1949, graduating ako 1950 sa Jose Abad Santos High School. Naging guest namin si Clodualdo del Mundo. When he talked, sabi ko sa sarili ko, one day, I will be like him.

PALT: Bakit po kayo na-inspire sa father ni Doc Doy?

PSG: I really wanted to be a writer. So when I was already graduating in high school, sumulat ako sa Roces Publication, sa Tagalog Classics. Nung mabasa nila yong letter, binigyan ako ng sample ng script. Pag-aralan ko daw. The next day, I was there with the script already. After one week, tinawagan nila ako, they asked me if I wanted to work with them. Kaya fourth year high school ako, nagtatrabaho na ako sa kanila. Ang kasama ko nun si Clodualdo del Mundo, editor sya.

PALT: Sa bahay po ba in-encourage kayong magsulat?

PSG: Ayaw ng father ko. Wala daw yumayaman sa pagsusulat. Pero hindi naman ako nagtatago sa father ko pag nagsusulat ako. Deep inside alam kong gusto din nya. But ironically, yumaman ako. Pero yong mother ko ok sa kanya. I was able to give her everything before she passed on.

PALT: Paano po kayo nagsisimula magsulat?

PSG: If you want to be a writer, kailangan tsismoso ka. Kailangan paglakad mo, open ang ears mo naririnig mo lahat. Ang mata mo malikot nakikita mo lahat. Tapos ang mga napakinggan mo, paghahalu-haluin mo yon.

PALT: Ano po ang pagkakaiba ng pagsulat noon sa pagsulat ngayon?

PSG: I’ve been telling young writers na to have a good story. there should be a part of yesterday, a part of today and a part of tomorrow. Ngayon ang kinukuha nilang writers, puro bata. Ang alam lang nila yong today. They do not know what happened yesterday. Kaya iba ang story, iba ang takbo.

Kaya dapat makipag-usap sa mga matatanda. Kasi ang mga matatanda, masasabi nila ano ba ang uso noon, ano ba ang kaibahan sa ngayon. Bukas, anong ie-expect mo? Kaya dapat, pag may nagsusulat ngayon, pagtutulungan ng bata at matanda.

PALT: Naka-vintage typewriter pa rin po kayo hanggang ngayon.

PSG: Oo kasi I’ve been using it for 50 years now. Dalawa pa nga o. Everyday, ginagamit ko. So nung nauso na yong computer, nag-aral naman ako. Primero yong electronic typewriter. May nagregalo sa akin, mga kapatid ko. Hindi ako masiyahan dahil silent at dapat dahan-dahan, kaya pinamigay ko. So after ilang years, nauso ang computer, nag-aral din ako. After namang kumuha ako ng course dun, hindi ako matuto, yon bang basic lang. I don’t feel comfortable doing it dahil tahimik din. Ang hinahanap ko ang ingay ng makinilya at ang lakas ng power ng kamay ko kasi for 50 years nga, yon ang ginagamit ko. So nung nauso ang computer, ang ginawa ko, minamakinilya ko, tapos pinako-computer ko na lang.

PALT: Para po may file kayo?

PSG: Hindi para pag dinala ko sa publication, kasi pag may mga nagpapagawa, pinagtatawanan ako. Kasi kako at my age, sandali na lang ako magsusulat, siguro naman hindi na ako kailangan pang mag-aral ng computer. Kasi at home talaga ako sa lumang makinilya. Ang stories ko lumalabas pag ito ang ginagamit ko. Music to my ears ang ingay nya.

PALT: Nag-establish po kayo ng publishing house.

PSG: Kasi, when you become a writer, during that time, 1950s, golden era ng komiks nun, talagang komiks ang bumubuhay sa lahat. Pag naging successful writer ka, ang first thing na papasok sa isip mo is magtatayo din ako ng publication. That’s what I did. So I put up PSG Publishing House, nilabas ko yong United Komiks. Saan mo nakita yan?

PALT: Nakita ko po sa Internet.

PSG: Nakalagay ba sa Internet yan? Hindi kasi ako marunong mag-internet.

PALT: Wala po kayong e-mail?

PSG: Ginawan yata ako ng apo ko. cheeseroll yata ang e-mail ko. Wala akong kahilig-hilig dyan sa internet. Siguro these are modern ways. Siguro pag talagang matanda ka na, nagsa-shy away ka na sa modern ways. Dun ka na lang sa tabi, nakatingin ka na lang. I don’t want to learn anymore. Pagod na ako ng katatrabaho. Ibigay na yan sa mga kabataan. Siguro I’ll just look.

PALT: Ni-research ko po kayo sa internet. Kayo po ang nag-mentor kay Alex Niño.

PSG: Yeah, I was the one who gave the break to Alex Niño. Ayaw tanggapin ng mga illustrators yan. Kasi daw masyadong modern but when I saw his work, kinuha ko sya. I gave him a chance. Then he became famous, naging number 1 sya. Ngayon sa Amerika number 1 sya. Sinasabi nya sa mga write-up nya, utang daw nya sa akin yong tagumpay nya. Kinikilala nya na ako ang nagbigay sa kanya ng break.

(Alex Niño is a successful Filipino writer of DC Comics. One of his most famous works is the Tarzan strip.)

The same din with other people na natulungan ko, mga artistang natulungan ko, sina Joseph Estrada, Fernand Poe, Jr., Susan Roces, Dante Rivero, Dindo Fernando.

PALT: Ano pong events sa Philippine history ang nagkaron ng greatest impact sa career nyo?

PSG: Bumagsak ako sa Martial Law. When Martial Law was declared, ang komiks noon, natigil lahat. Marami silang pinahinto. Lahat ng komiks, dadalhin mo sa Crame. They will evaluate it, if you really want to publish or not. So because of that, namatay ang komiks. By the time na bumalik ako sa publication ng mawala na ang Martial Law, bagsak na ang komiks. So I was forced to sell my publication.

PALT: So ano pong ginawa nyo nung bumagsak na ang komiks?

PSG: E di nag-apply na naman ako as a writer sa ibang komiks publications. Matatawa ka nga dahil nung naga-apply ako ang ina-apply-an ko mga dati kong empleyado. Sila ang nakaupo dun, tapos ako ang naga-apply, nakapila ako kasama ko yong ibang writers.

PALT: Ano naman po ang best opportunity sa pagsusulat in contrast sa Martial Law na na-suppress po kayo?

PSG: I was able to prove that I can be a publisher, na naging popular ang mga komiks ko. Then ang Roces Publications kinuha lahat ng empleyado ko, from the guard up to the manager. Ibig sabihin nun well-run ang publications ko. Tapos pinagbili ko ang rights ng 3 komiks ko sa kanila.

PALT: Sa information technology at sa nursing, may tinatawag po silang brain drain. Naga-abroad po sila.

PSG: Oo. In fact, I was already offered to work in Hollywood in 1957 sa isang TV show doon. Ayoko dahil sikat na ako dito e. I just went there for a tour, then every year nagpupunta na ako dun. Kung gusto ko yon, siguro American citizen na ako. Tumanggi ako. In-interview nila ako sa TV. Tumanggi ako.

PALT: Sabi po kasi dito sa research ko, may oval bed daw po kayong bigay ni Susan Roces. Nakatago daw po dun yong mga sinulat nyong hindi pa nalalabas. Ano pong balak nyo dun?

PSG: Oo. Totoo. Ngayon, binabalikan ko. Tinutuloy-tuloy ko pagsulat. Binibili ng ABS-CBN. Kelan lang lumabas ang Kampanerang Kuba at Mga Anghel na Walang Langit. Mga old stories ko na yon na naging pera pa ulit. Ngayon yong Komiks every Saturday. Bumili sila sa akin ng 60 stories.

PALT: Sa mga awards nyo po, may favorite po ba kayo?

PSG: Wala. Hindi naman ako mataas na tao. Eton gang mga awards ko, ayoko i-display. Sinabihan lang ako ni Susan Roces na kelan ko daw ba ikakabit yan, pag wala na ako? So ikinabit ko na. Tutal sabi ko, pag wala na ako itatago na ng mga kapatid ko yan. Hinihingi ng UP Museum yan. Ilang beses na ako sinulatan, sabi ko “Teka muna!”

Wala na din kasi ako space. Ang dami ko na ngang sinunog na mga sulat ko kasi wala na akong mapagtaguan.

PALT: Are you in favor of censorship po?

PSG: Nothing wrong kasi ang sine-censor nila yong mga talagang hindi pa dapat makita ng mga bata. Palagay ko, dapat talaga may censorship aside from classification.

PALT: Palagay nyo po, how can the government encourage writers para dumami ang writers natin dito sa Pilipinas?

PSG: They have never done that pa. Dapat magtayo sila ng publication ng komiks, whatever, kasi ang buhay ng tao nasa komiks. Kasi, actually, komiks was number 1 during the 60s hanggang sa 80s. Even the politicians believed in it, even mga taga-probinsya tanungin mo sila they learn Tagalog from komiks. Kaya pag may elections, marami komiks kasi they reach the barrios.

Humina ang komiks kasi unang-una, nagkaroon ng brain drain, yang sinasabi mo. Ang mga top illustrators katulad nina Alex Niño, they are in the States already.

Tapos bukod sa brain drain, nagkaroon ng iba-ibang klase ng entertainment. Merong cable TV, meron ng mga internet. Ang kabataan, dun naloloko ngayon. It’s not the comics anymore. At saka ang mga illustrators natin biglang nawala. Ang mga baguhan ngayon ang drawing na nila mga cartoons, kaya hindi na nabibili ang komiks. Pero I don’t believe mamamatay yan. Mahina ngayon. Siguro given enough time. Kasi part of culture yan.

PALT: Sa mga writers po ngayon, meron po ba kayong nakikitang gusto nyong i-mentor? Bakit po? Dahil po ba wala kayong nakikitaan ng mga passion?

PSG: Wala pa akong nakikitang gusto kong i-mentor. Wala na kasi komiks ngayon, hindi mo makita ang sulat nila. Nasa period tayo ngayon na parang hindi katulad noon na ang writers talagang kalat na kalat.

PALT: Sa palagay nyo po, ano po ang personal characteristics na best assets nyo, na nandyan kayo ngayon, na magaganda mga kwento nyo?

PSG: Siguro talagang in-born yan, na nakatakda ako dun. Siguro talagang naka-linya ako sa ganun. There are so many writers na hindi naman inabot ang inabot ko.

PALT: Ano po ang best achievement nyo as a writer?

PSG: Siguro ang best achievement ko as a writer, marami akong natulungan na nabigyan ko ng pangalan. Ako ang katulong nila sa tagumpay nila.

PALT: So ano po ang advice nyo sa mga aspiring young writers ngayon?

PSG: If you really want to be a writer, huwag mong pilitin just because natutunan mo lang sa eskwela you can be a writer. No! A writer is born. Maaaring matutunan mo lang, ang fundamentals on how to write. Ang dami-daming ngayong mga seminars nagtuturo how to write. Kung ang writing talagang love mo, go ahead because there is money in writing. It is only a matter of gawing kilala ang pangalan mo and you can do that by writing in any form of entertainment, sa radio, television, magazine. Yong nakikita ang pangalan mo. Kasi marami naming gustong sumulat, it’s a matter na magustuhan ng tao.

4 comments:

Anonymous said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Anonymous said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Anonymous said...

I like it! Good job. Go on.
»

Anonymous said...

Greets to the webmaster of this wonderful site. Keep working. Thank you.
»